Wednesday, May 18, 2016
Kritika ni John Barrios sa Nasa sa Dulo ng Dila
Maraming salamat kay John Barrios para sa kanyang kritisismo sa aking librong Nasa sa Dulo ng Dila.
Monday, May 16, 2016
Kuwentong Pag-ibig sa Taxi
Galing ito dito. #FacebookPost
::: Ngayon-ngayon lang, sumakay ako ng Kaoli Khan Taxi sa harap ng Atrium.
Manong: Diin ta, Mam?
Ako: UP, 'nong.
*Silence for 7 seconds.*
Manong: Ti, bahala ka na lang sa kabuhi mo, e.
Ako: *confused*
Manong: Tutal daw wala ka man labot s'akon, wala na lang man ko labot s'imo.
Iyay (Naka-loudspeaker gali. Ambot kon ngaa daw ginaitik iya tingog): Ngaa amo na ginahambal mo haw?
Manong: Kay ti kon manawag ko s'imo, gahambal ka nga bag-o ka lang bugtaw. Pero mag-check ko sang Facebook, naka-good morning ka na sa tanan. Naka-chat ka na. Dayon, wala ka tyempo magtext s'akon?
Ako: *awkwardly stares out the window*
Iyay (daw ga-joke gihapon): Baw, grabe ka man maghambal.
Manong: Indi a. Kay tani atenderon mo man ko e. Ginaatender mo gani iban nga tawo.
Iyay (in a weirdly happy voice): Baw, pwerte.
Manong: Indi a. Wala na lang ko ya labot sa imo a. Hambali lang ko sang mga galastoson sa bata, mahatag lang ko ya. Pero ubrahon mo lang ang gusto mo ubrahon, kay ubrahon ko man ya akon a.
Iyay: Ano?
Manong: *kutib-kutib*
Iyay: Ano man?
Manong: Bahala ka da a.
Iyay: Ambot, a. *hangs up phone*
Manong: *singhot*
Ako: *nagaalay na ang liog*
Manong: *turns up the radio's volume*
Westlife: Oh, Mandy / Well you came and you gave without taking / But I sent you away, oh Mandy / Well you kissed me and stopped me from shaking / And I need you today, oh Mandy
Manong: *singhot*
Ako: *realizes nga stoplight na* Ay, Nong, diri kita sa General Luna nga gate.
Westlife: Oh Mandy won't you listen to what I've got to say / And I need you today, oh Mandy
Manong: *singhot* Ay, sorry, Mam. Abi ko sa Infante. *U-turns*
Ako (sa lawas ko lang): Amo gid na problema kon abi niya indi niya na kinanglan ihambal, kag abi mo bal-an mo na.
Manong: *parks, turns to me with eyes nga nagalumaw-lumaw* Sixty-one, Mam.
Ako: *Gives him three twenty's and a one-peso coin. Para may mabaton man sya nga sakto subong nga aga* Thank you, 'nong. *gets off the cab*
Sunday, May 15, 2016
Kidapawan Post
::: Medyo mahaba itong post na ito, pero holiday naman kaya heto.
Dating pulis sina Nanay at ang ama niya, si Lolo Gustin. Naging propesor ko sa UP ang pinsan ni Lolo, at palagi niyang ikinukuwento sa akin nang may magkahalong pagmamalaki at inis, na si Lolo Gustin lang daw ang kilala niyang naging Chief of Police na hindi yumaman. Taga-Negros sina Nanay, at kapag nakilala mo siya o ang Lola ko, pati na rin ang lola ko sa tuhod, madali mong maiintindihan kung bakit tigas ng tubò ang ihahambing mo sa kanila, sa halip na tamis nito. May mga kamag-anak kaming lumipat at namuhay na sa Davao, GenSan, at South Cotabato. Last year ay swerteng nabisita ko sila at nakilala.
Pulis din si Tatay bago siya namatay. Lumaki siya sa bayan ng Tapaz, sa probinsya ng Capiz, at dahil dito kami madalas magbakasyon noon ng mga kapatid ko, at dito na rin inilibing si Tatay noong 1990, Tapaz ang kinikilala naming “probinsya.” Dito, magsasaka ang mga tiyuhin ko’t mga lolo, samantalang public school teachers ang mga tiyahin ko at mga lola. Malaking bahagi ng buhay at kabuhayan namin ang lupa. Sa kabilang banda, may mga kamag-anak din kaming lupa na rin ang naging mitsa ng pagkamatay.
Yung kaisa-isa kong kapatid na lalaki, na madalas ang pabirong tawag sa akin ay aktibista o lider ng mga makakaliwa (hindi pa naman niya ako natatawag na komunista), ay nagtapos sa PNPA at kapo-promote lang sa pagka-Senior Inspector. Sa Tacloban siya nakadestino, at noong minsang nasabi ko sa kanya na may biyahe ako papuntang Samar at Leyte, pinag-ingat niya ako dahil hitik daw sa mga NPA ang bahaging ito ng bansa. Bago matapos ang pag-uusap namin ay hiniritan niya pa ako, “Ay, hindi mo naman pala kailangang mag-ingat kasi mga katropa mo naman sila.”
Hindi ako miyembro ng NPA; kahit nga sa LFS hindi ako nakasali. At kahit ano pa ang sabihin ng mga estudyante ko, pramis, hindi ako terorista. Pero sa humigit-kumulang 20 years ko sa UP, hindi ko naman kailangang maging bahagi ng progresibong grupo para sumali at mag-organisa ng mga pagkikilos upang maipahayag ang pagtutol o pagsuporta sa mga isyu ng paaralan at lipunan. Sa maliit na pamamaraan ay naging bahagi ako sa paglaban para manatili ang UP campus sa Iloilo City, maipahayag ang mga kontra-estudyanteng policies ng isang dating Chancellor, maipanawagan ang pag-oust sa dating pangulong naakusahan ng plunder, at maiparating sa publiko ang perennial issue ng kapos na state subsidy para sa edukasyon. Naranasan ko ang maglakad sa kalye, mainitan, at taas-kamaong ipagsigawan ang mga pinaglalaban. Syempre, kasabay nito ay ang maranasan din ang pangungutya at pang-aasar ng mga estranghero’t ilang mga kaibigan. Sa loob naman ng silid-aralan, bahagi ng pagtuturo ko ng matematika ang pagpapaintindi sa mga mag-aaral na bilang Iskolar ng Bayan, ang responsibilidad nila ay hindi lang sa kanilang mga sarili, o sa kanilang mga pamilya, pero pati na rin sa kanilang komunidad, at higit na sa mga marginalized na sector ng lipunan.
Bakit nga ba humantong sa ganito kahaba ang post ko? Araw ng Kagitingan ngayon, holiday. Wala akong pasok. May panahon para mag-Facebook. Pagkatapos ay unang tumambad sa akin ang news article na may pamagat na “President Aquino breaks his silence on Kidapawan incident.” Gin-click ko ang link, binasa ang nilalaman, at bago ko pa namalayan, umiiyak na pala ako.
Kung binasa mo ang ilang talatang pagpuputak ko dito, hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit malapit sa akin ang isyu ng Kidapawan. Ang simpatiya ko ay sa pamilya ng mga magsasaka, pulis, pati na rin miyembro ng mga progresibong grupo, dahil sa totoo lang, sa gitna ng lahat ng ito, ang mga nanay, tatay, kapatid, pinsan, anak, lolo at lola ng mga naging bahagi ng madugong panlalapastangan sa Kidapawan ang higit na nagdusa, nagdurusa, at magdurusa pa. Pagkatapos ay mababasa kong sinabi raw ng pangulo ng ating bansa na “Sa totoo lang po, [noong April 1, kung kailan tapos na ang lagim sa Kidapawan] doon ko lang narinig sa unang pagkakataon na mayroon palang nangharang ng highway sa Kidapawan at nagkaroon ng isang violent dispersal.”
HINDI NIYA ALAM. Sinlakas ng putok ng baril ng natarantang pulis at pagkulo ng sikmura ng gutom na magsasaka ang pag-aalingawngaw ng mga salitang binitiwan niya. WALA SIYANG ALAM. HULI NA NANG MALAMAN NIYA.
Ngayon ay Araw ng Kagitingan: araw ng pag-alala sa libong buhay na ibinuwis ng ating mga ninuno sa pag-martsa mula Bataan hanggang Pampanga. Marami sa kanila ang namatay dahil sa init, uhaw, gutom, at impeksyon mula sa kanilang mga sugat, dala ng ilang araw na paglalakad. Ang ilan ay nagdusa sa pagmamaltrato ng mga dayuhan. Ang sakit-sakit isiping makalipas ang 74 years, uhaw at gutom pa rin ang ating mga kababayan. Nagnanaknak ang sugat ng kawalang-hustisya sa ating bansa, at ang isang kagaya kong aktibistang anak ng pulis, pamangkin ng magsasaka, at pinagbibintangang NPA ay luha na lamang ang maisusukli.
HANGGANG NGAYON AY PATULOY ANG PAGDANAK NG DUGO, AT SA GITNA NG LAHAT NG ITO, ANG COMMANDER-IN-CHIEF NG HUKBONG SANDATAHAN NG ATING BANSA AY UMAKONG WALA SIYANG ALAM TUNGKOL SA ISANG NAPAKASERYOSONG ISYUNG APEKTADO ANG MARAMI SA KANYANG PINAMUMUNUAN.
DIYOS NA MAHABAGIN, KAYO PO NA MAY ALAM NG LAHAT-LAHAT, KAYO NA PO ANG BAHALA SA BANSA NAMIN.
Friday, May 13, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)