Showing posts with label Facebook post. Show all posts
Showing posts with label Facebook post. Show all posts

Friday, November 27, 2020

Gender-Fair Language

In one of our faculty meetings, I proposed that UP Visayas adopt a policy on using the "singular they" in its official documents. 

For example,

"Rin is a gender-fluid person. They are from Alimodian and enjoy biking."

"Each child was required to be guided by their parent during online classes."

Not only is this already acceptable in the academic setting (the American Psychological Association already endorses it), this is actually not a new thing for us Filipinos because we tend to use "plural" forms of pronouns to mark politeness, respect, or consideration (e.g., "Kung inyo pong mamarapatin" or "Ano tani aton, suki?").

As we mark the start of the 18-day Campaign to End Violence against Women, I am posting some pages from the Gender-Fair Language Primer published by UP in 1998 and updated in 2014. I hope we learn from the lessons here because words, whether spoken or written, have the power to manipulate, discriminate, and render entire sectors of society invisible.

#EndVAWC

#VAWFreePH

Tuesday, June 9, 2020

Balasahon gikan sa mga sulat ni Inday

I. Abi ko sang una, extraordinary event ang declaration of martial law. Inang magal-om ang langit, mapiyangak ang uwak, may madapya nga mabugnaw nga hangin. May creepy nga soundtrack sa palibot.

Indi gali. Ordinaryo lang sya nga hitabo. Daw amo lang gyapon ang tanan. Kapin pa kon wala ka man lang labot sa palibot mo.

Kon wala ka labot sa palibot mo, daw amo lang gyapon ang tanan. Pero sa matuod, indi na.

II. Syempre, nagpabalo ko kay nanay nga may hiwaton kami nga mob. Usual nanay pulis yawyaw at first, then namangkot sya kon para sa terror bill ba kuno amon rallyhan. Siling ko, huo. Wala na sya nagpadayon yawyawers.

I assured her nga sa sulod lang ko sang campus, along with my fellow teachers. Siling niya, tag-kinse gid kuno ang kumbo nga ginbakal niya (ginakaon niya upod sa iya kape nga ako ang nagtimpla), kamahal gid kuno. Hambal ko, mangayo ko isa para may balon ko.

III. Wala kami nagjoin sa picket kay limited lang to 15 pax ang gin-approve sang admin nga pwede mag-assemble, although sa akon pagkabalo, 50% venue capacity ang allowed subong nga Modified GCQ. 

Wala na ako nagbais, nagpaiway na lang kami sa mga kabataan nga nagpreparar sang programa. Nagpapicture lang kami nga mga maestro kag maestra, kag nagpahigad.

Wala pa makasugod ang picket, may pulis na sa gwa. Samtang nagahiwat sang programa ang mga kabataan, may nagalibot nga patrol car sa perimeter sang campus.

Ginstoryahan namon kon sin-o ayhan ang nagtimbre sa mga pulis nga may aktibidad sa sulod sang campus? Siling sang upod ko, basi si nanay pulis, ginpasigurado lang nga indi ako maggwa. Basi gid man, a.

Kon lantawon lang sa pictures, ka-"peaceful" sang natabo nga picket. Daw mga estudyante nga naga-accomplish sang Student Evaluation of Teachers samtang may faculty proctor nga nagalibot-tika sa gwa sang classroom kon nagbutang ka Outstanding ukon Poor sa survey instrument.

Peaceful gid e, kay wala man sa sulod ang nagapanggamo.

Pero abaw, tanan kami dira nakulbaan. Sin-o man bi indi? Wala-tuo ang dakpanay sang mga nagaprotesta sa bilog nga pungsod, kay naga-violate kuno sang community health standards. Sabagay, mas safe gid man ya guro sa presohan, a. Bastante to ya guro ang physical distancing, no?

IV. Labay man akon. Sang nagbreak kamo sang imo jowa, nabatyagan mo man ang pag-untat sang kalibutan? Sang nadulaan ka sang tawo ukon butang nga tuman ka importante sa imo, ano ang pamtayag sang pagsaklob sa imo sang langit kag duta? Natingala ka man ngaa padayon lang gyapon ang iban nga mga tawo sa ila kabuhi nga daw wala lang ya nagcrumble ang imo world?

V. Daw amo lang gyapon ang tanan, 'no? Pero sa matuod, indi na.

#JunkTerrorBill #HandsOffActivists #DefendFreeSpeech

Thursday, April 2, 2020

Throwback: Kidapawan Massacre (Ngayon ko Lang Nalaman)

Medyo mahaba itong post na ito, pero holiday naman kaya heto.

Dating pulis sina Nanay at ang ama niya, si Lolo Gustin. Naging propesor ko sa UP ang pinsan ni Lolo, at palagi niyang ikinukuwento sa akin nang may magkahalong pagmamalaki at inis, na si Lolo Gustin lang daw ang kilala niyang naging Chief of Police na hindi yumaman. Taga-Negros sina Nanay, at kapag nakilala mo siya o ang Lola ko, pati na rin ang lola ko sa tuhod, madali mong maiintindihan kung bakit tigas ng tubò ang ihahambing mo sa kanila, sa halip na tamis nito. May mga kamag-anak kaming lumipat at namuhay na sa Davao, GenSan, at South Cotabato. Last year ay swerteng nabisita ko sila at nakilala.

Pulis din si Tatay bago siya namatay. Lumaki siya sa bayan ng Tapaz, sa probinsya ng Capiz, at dahil dito kami madalas magbakasyon noon ng mga kapatid ko, at dito na rin inilibing si Tatay noong 1990, Tapaz ang kinikilala naming “probinsya.” Dito, magsasaka ang mga tiyuhin ko’t mga lolo, samantalang public school teachers ang mga tiyahin ko at mga lola. Malaking bahagi ng buhay at kabuhayan namin ang lupa. Sa kabilang banda, may mga kamag-anak din kaming lupa na rin ang naging mitsa ng pagkamatay.

Yung kaisa-isa kong kapatid na lalaki, na madalas ang pabirong tawag sa akin ay aktibista o lider ng mga makakaliwa (hindi pa naman niya ako natatawag na komunista), ay nagtapos sa PNPA at kapo-promote lang sa pagka-Senior Inspector. Sa Tacloban siya nakadestino, at noong minsang nasabi ko sa kanya na may biyahe ako papuntang Samar at Leyte, pinag-ingat niya ako dahil hitik daw sa mga NPA ang bahaging ito ng bansa. Bago matapos ang pag-uusap namin ay hiniritan niya pa ako, “Ay, hindi mo naman pala kailangang mag-ingat kasi mga katropa mo naman sila.”

Hindi ako miyembro ng NPA; kahit nga sa LFS hindi ako nakasali. At kahit ano pa ang sabihin ng mga estudyante ko, pramis, hindi ako terorista. Pero sa humigit-kumulang 20 years ko sa UP, hindi ko naman kailangang maging bahagi ng progresibong grupo para sumali at mag-organisa ng mga pagkikilos upang maipahayag ang pagtutol o pagsuporta sa mga isyu ng paaralan at lipunan. Sa maliit na pamamaraan ay naging bahagi ako sa paglaban para manatili ang UP campus sa Iloilo City, maipahayag ang mga kontra-estudyanteng policies ng isang dating Chancellor, maipanawagan ang pag-oust sa dating pangulong naakusahan ng plunder, at maiparating sa publiko ang perennial issue ng kapos na state subsidy para sa edukasyon. Naranasan ko ang maglakad sa kalye, mainitan, at taas-kamaong ipagsigawan ang mga pinaglalaban. Syempre, kasabay nito ay ang maranasan din ang pangungutya at pang-aasar ng mga estranghero’t ilang mga kaibigan. Sa loob naman ng silid-aralan, bahagi ng pagtuturo ko ng matematika ang pagpapaintindi sa mga mag-aaral na bilang Iskolar ng Bayan, ang responsibilidad nila ay hindi lang sa kanilang mga sarili, o sa kanilang mga pamilya, pero pati na rin sa kanilang komunidad, at higit na sa mga marginalized na sector ng lipunan.

Bakit nga ba humantong sa ganito kahaba ang post ko? Araw ng Kagitingan ngayon, holiday. Wala akong pasok. May panahon para mag-Facebook. Pagkatapos ay unang tumambad sa akin ang news article na may pamagat na “President Aquino breaks his silence on Kidapawan incident.” Gin-click ko ang link, binasa ang nilalaman, at bago ko pa namalayan, umiiyak na pala ako.

Kung binasa mo ang ilang talatang pagpuputak ko dito, hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit malapit sa akin ang isyu ng Kidapawan. Ang simpatiya ko ay sa pamilya ng mga magsasaka, pulis, pati na rin miyembro ng mga progresibong grupo, dahil sa totoo lang, sa gitna ng lahat ng ito, ang mga nanay, tatay, kapatid, pinsan, anak, lolo at lola ng mga naging bahagi ng madugong panlalapastangan sa Kidapawan ang higit na nagdusa, nagdurusa, at magdurusa pa. Pagkatapos ay mababasa kong sinabi raw ng pangulo ng ating bansa na “Sa totoo lang po, [noong April 1, kung kailan tapos na ang lagim sa Kidapawan] doon ko lang narinig sa unang pagkakataon na mayroon palang nangharang ng highway sa Kidapawan at nagkaroon ng isang violent dispersal.”

HINDI NIYA ALAM. Sinlakas ng putok ng baril ng natarantang pulis at pagkulo ng sikmura ng gutom na magsasaka ang pag-aalingawngaw ng mga salitang binitiwan niya. WALA SIYANG ALAM. HULI NA NANG MALAMAN NIYA.

Ngayon ay Araw ng Kagitingan: araw ng pag-alala sa libong buhay na ibinuwis ng ating mga ninuno sa pag-martsa mula Bataan hanggang Pampanga. Marami sa kanila ang namatay dahil sa init, uhaw, gutom, at impeksyon mula sa kanilang mga sugat, dala ng ilang araw na paglalakad. Ang ilan ay nagdusa sa pagmamaltrato ng mga dayuhan. Ang sakit-sakit isiping makalipas ang 74 years, uhaw at gutom pa rin ang ating mga kababayan. Nagnanaknak ang sugat ng kawalang-hustisya sa ating bansa, at ang isang kagaya kong aktibistang anak ng pulis, pamangkin ng magsasaka, at pinagbibintangang NPA ay luha na lamang ang maisusukli.

HANGGANG NGAYON AY PATULOY ANG PAGDANAK NG DUGO, AT SA GITNA NG LAHAT NG ITO, ANG COMMANDER-IN-CHIEF NG HUKBONG SANDATAHAN NG ATING BANSA AY UMAKONG WALA SIYANG ALAM TUNGKOL SA ISANG NAPAKASERYOSONG ISYUNG APEKTADO ANG MARAMI SA KANYANG PINAMUMUNUAN.

DIYOS NA MAHABAGIN, KAYO PO NA MAY ALAM NG LAHAT-LAHAT, KAYO NA PO ANG BAHALA SA BANSA NAMIN.
----------------
Sinulat sa Facebook noong 9 April 2016 bilang reaksyon sa article na ito ng Manila Bulletin.

Thursday, August 8, 2019

Ang Hirap ng Babae

Obvious ito, pero kailangan pa rin palang sabihin.

Lahat nang babae, oras na mamulat sa pagkababae, ay makararanas ng panghahalay/pananamantala/pangmamanyak. LAHAT.

(Sa mga lalaking ayaw maniwala / hindi makapaniwala, tanungin niyo ang misis/girlfriend/lahat nang babaeng kakilala.) 

Karga-karga namin ito -- itong pagkamuhi sa sarili, itong takot sa mga lalaki, itong pagkainis sa kapwa babaeng hindi rin makapagsalita dahil kagaya namin ay namumuhi sa sarili o natatakot din sa lalaki -- buong buhay namin.

Kung sa puntong ito'y ang nasasabi mo sa sarili ay "Bakit hindi magreklamo sa kinauukulan kung talagang namanyak o nagahasa?", isa sa dalawang bagay ang totoo sa iyo: lalaki ka o babaeng pilit na kinalimutan ang kinamulatang danas ng pananamantala (sa kung ano mang lebel).

Kapag babae ka kasi, patutunayan mo munang hindi mo ginustong pagsamantalahan. Hindi ba't kay Eba sinisisi ang pag-akit kay Adan? 

Bakit ka kasi nakipag-inuman?
Bakit sa madilim ka dumaan?
Ano ba kasi ang suot mo?
Nagpakita ka ba ng motibo?
Bakit ka sumama?
Bakit hindi ka sumigaw o nagpumiglas?
Sigurado ka ba, e di ba't lasing ka?
Bakit ngayon ka lang nagreklamo?

At sa bawat balitang ganito ang nangyayari at naririnig, ito ang tanong ko sa mga babae: Ilang beses mo nang nasabi sa sariling, "Mabuti na lang at hindi ako nagreklamo."

Dahil mas madaling isipin ito, mas magaan sa konsensya kaysa, "Kung nagreklamo sana ako'y wala na siyang nabiktimang iba."

Lalo pa't kung ang panghuhusga ay sa kapwa babae pa nanggagaling.

Paalala sa mga ama, ina, tito, tita, lolo, lola, mam, at ser, hindi solusyon na marunong lang lumaban ang kababaihan.

Turuan din nating lumaking maayos ang mga anak nating lalaki. Turuan natin silang umintindi at tumanggap ng pagtanggi.

Dahil ito lang ang totoo: WALANG REYP KUNG WALANG REYPIST.

Matagal din akong naniwalang mapalad ako at sa panahong ito ako ipinanganak na babae. Hindi rin pala. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit mas madaling sabihing "wala akong maalala." Ang sakit-sakit palang mahalay nang paulit-ulit kapag mulat ka.

Saturday, September 30, 2017

Gugma

Lunch time convo with non-Ilongga friend.
Friend: So, Bacolod gets its money from sugar. Gen San gets its money from tuna. Zamboanga gets theirs from sardines. Where does Iloilo get its money from?
Me: From GUGMA 😁
----------
To give non-Ilongga friend a better response, I googled "Iloilo City economy."
Me: Hey, it says here that "Industries in Iloilo City include management of port facilities, telecommunications infrastructure and utilities, banking and finance..."
Friend: So what goes through your port?
Me: The people who love us, of course 😁
---------
Coffee time convo with same friend.
*I was putting back excess sugar in the canister (I was going to throw it away).
Friend: Ibalik mo yan kasi pawis yan ng mga mga taga-Bacolod. Kayong mga taga-Iloilo, anong pinagpawisan niyo?
Me: Grabe ka, nakakapagod din kaya ang magmahal. 😁

Facebook post from here.

Wednesday, September 20, 2017

Nagbulaganay Kami

The Hiligaynon expression "Nagbulaganay kami" could mean one of three things:
1. We parted ways
2. We broke up
3. We blinded each other
There's a poem or flash fic in there, somewhere. But first, coffee.

Facebook post from here.

Saturday, September 16, 2017

There is no Hiligaynon word for goodbye.

There is no Hiligaynon word for goodbye.
An Ilonggo who leaves says, "Lakat na ko." One who sends another off says, "Halong!" or "Balik-balik lang."
"Lakát" means *walk*. 
"Hálong" means *take care*.
"Bálik-bálik lang" means *come back anytime*.
So I guess Ilonggos, sweet and full of gugma as we are, may have actually been built for walking away.
On the other hand, Ilonggos may have also been conditioned for being okay with getting left behind. Because even when people walk away from us, we would still wish them well. We Ilonggos would still welcome them back.
[I can almost hear all my good friends collectively saying, "Ikaw lang nà ya, Sol!!!" ]
Edit: Pwede kuno "paalam" for goodbye. So it really does take wisdom to move on.
#FacebookPost from here.

Saturday, June 4, 2016

Ang Diwata at ang Bata

Galing ito dito. #FacebookPost

::: "Noong unang panahon, may diwatang nakatira sa isang puno na malapit sa ilog. Malungkot ang diwata kasi wala siyang kalaro. Araw-araw, mag-isa lang siyang nagtatampisaw sa ilog o kaya naman ay umuupo sa sanga ng punong tinitirhan niya at nakikinig sa huni ng mga ibon. Sa tagal ng panahon na wala siyang nakakasama, nasanay na sa pag-iisa ang diwata.
Isang araw, may kakaibang ingay na narinig ang diwata. Boses ng isang bata! Naliligo ang bata sa ilog, malapit lang sa kung saan nakatira ang diwata. Nilapitan ito ng diwata at niyayang maglaro. Pumayag naman ang bata.
Buong araw na naglaro ang bata at ang diwata. Nang magsimula nang dumilim, nagpaalam na ang bata sa diwata. Kailangan niya na raw umuwi kasi baka hinahanap na siya ng mama at papa niya.
Nalungkot ang diwata. Nakiusap siya sa bata na huwag na umalis kasi wala na siyang makakalaro.
"Babalik naman ako, diwata," sabi ng bata. "Pangako, maglalaro tayo ulit."
Dahil sa pangako ng bata, hinayaan na niya itong umuwi na muna. Kinabukasan, maagang nagising ang diwata para hintayin ang bata. Sumapit ang hapon, pati ang muling pagdilim ng paligid, ngunit hindi dumating ang bata. Ganito rin ang nangyari noong sumunod na araw. Ilang araw din ang lumipas. Sa bawat araw na nagdaan, matiyagang naghintay ang diwata sa tabi ng ilog.
Isang araw, habang nakaupo ang diwata sa nakagawian niyang lugar kung saan niya hinihintay ang bata, may narinig siyang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya.
"Diwata! Diwata!"
Hinanap ng diwata ang pinanggagalingan ng boses. Wala siyang ibang nakitang tao sa paligid, maliban sa isang matandang maputi ang buhok, kulubot ang balat, at uugod-ugod.
"Diwata! Diwata!" tawag ng matanda.
Nagpakita ang diwata sa matanda.
"Sino ka?" tanong ng diwata.
"Diwata! Hindi mo ba ako naaalala? Ako yung nakalaro mo dito sa ilog."
"Hindi, bata ang nakalaro ko. Matanda ka na."
"Ako ang batang yun, diwata. Maraming taon na kasi ang lumipas, kaya tumanda na ako."
"Kung ikaw nga yun, bakit ngayon ka lang bumalik? Matagal kitang hinintay. Araw-araw kitang inabangan dito sa tabi ng ilog."
"Patawarin mo ako, diwata. Nung gabing umuwi ako pagkatapos nating maglaro, nagkasakit ako nang malubha. Agad-agad akong dinala ng mama at papa ko sa lungsod para ipagamot. Ilang araw din akong nakaratay sa ospital. Pagkatapos..."
"Pagkatapos..."
*Mamoy, bakit ka uuwi?*
Nag-aayos na ako ng gamit, humirit si Denden na kuwentuhan ko raw muna siya. Tungkol daw sa diwata. Ayun, impromptu imbento ng kuwento. Madalas naman, puro kuwela at kalokohan lang ang mga kuwento ko, kanina ko pa talaga naisipang magkuwento nang madrama. Doon pa lang sa pagkikita ng matanda at diwata, garalgal na boses ko. Kaya nung tinanong niya ako kung bakit ako uuwi, pabagsak na ang mga luha ko.
"Hahanapin kasi ako ni Nanay, Den."
"Eh, wala na akong makakalaro," sabi niya na namumuo na rin ang mga luha.
Ayun, wala na akong nasagot. Sabi ko na lang, punta muna ako sa CR. Di ko na sasabihin kung anong ginawa ko sa banyo. Mabuti naman at paglabas ko, nakausap na ni Auntie si Denden. Hindi na masama ang loob. Ihahatid daw nila ako sa kanto.
Maya-maya pa, parehas na kaming tumatawa habang naglalakad, tuloy-tuloy hanggang makasakay ako ng taxi, baon ang kanyang flying kiss at "Ingat, Mamoy! Aylabyu, Mamoy!"

Monday, May 16, 2016

Kuwentong Pag-ibig sa Taxi

Galing ito dito. #FacebookPost

::: Ngayon-ngayon lang, sumakay ako ng Kaoli Khan Taxi sa harap ng Atrium.
Manong: Diin ta, Mam?
Ako: UP, 'nong.
*Silence for 7 seconds.*
Manong: Ti, bahala ka na lang sa kabuhi mo, e.
Ako: *confused*
Manong: Tutal daw wala ka man labot s'akon, wala na lang man ko labot s'imo.
Iyay (Naka-loudspeaker gali. Ambot kon ngaa daw ginaitik iya tingog): Ngaa amo na ginahambal mo haw?
Manong: Kay ti kon manawag ko s'imo, gahambal ka nga bag-o ka lang bugtaw. Pero mag-check ko sang Facebook, naka-good morning ka na sa tanan. Naka-chat ka na. Dayon, wala ka tyempo magtext s'akon?
Ako: *awkwardly stares out the window*
Iyay (daw ga-joke gihapon): Baw, grabe ka man maghambal.
Manong: Indi a. Kay tani atenderon mo man ko e. Ginaatender mo gani iban nga tawo.
Iyay (in a weirdly happy voice): Baw, pwerte.
Manong: Indi a. Wala na lang ko ya labot sa imo a. Hambali lang ko sang mga galastoson sa bata, mahatag lang ko ya. Pero ubrahon mo lang ang gusto mo ubrahon, kay ubrahon ko man ya akon a.
Iyay: Ano?
Manong: *kutib-kutib*
Iyay: Ano man?
Manong: Bahala ka da a.
Iyay: Ambot, a. *hangs up phone*
Manong: *singhot*
Ako: *nagaalay na ang liog*
Manong: *turns up the radio's volume*
Westlife: Oh, Mandy / Well you came and you gave without taking / But I sent you away, oh Mandy / Well you kissed me and stopped me from shaking / And I need you today, oh Mandy
Manong: *singhot*
Ako: *realizes nga stoplight na* Ay, Nong, diri kita sa General Luna nga gate.
Westlife: Oh Mandy won't you listen to what I've got to say / And I need you today, oh Mandy
Manong: *singhot* Ay, sorry, Mam. Abi ko sa Infante. *U-turns*
Ako (sa lawas ko lang): Amo gid na problema kon abi niya indi niya na kinanglan ihambal, kag abi mo bal-an mo na.
Manong: *parks, turns to me with eyes nga nagalumaw-lumaw* Sixty-one, Mam.
Ako: *Gives him three twenty's and a one-peso coin. Para may mabaton man sya nga sakto subong nga aga* Thank you, 'nong. *gets off the cab*

Sunday, May 15, 2016

Kidapawan Post

Galing ito dito. Dahil sa balitang ito. #FacebookPost
::: Medyo mahaba itong post na ito, pero holiday naman kaya heto.