Biyernes. Alas dos y medya
nang madaling-araw.
Ibig sabihin,
Sabado na pala.
Ang dapat na
ginagawa ko ngayon: natutulog.
Ang dapat na
hindi ko ginagawa: binabalikan ang daan-daang palitan ng mga text messages
namin ni Jaya.
Pero ganun yata
talaga. Gagawin ng katawan ang luyag ng puso, lalo pa’t wala sa wisyo ang
katawan at nagpupuyos ang damdamin. At mga alaala ni Jaya ang hinahanap ng
aking kasingkasing. Mahirap bigyan ng paliwanag ang katawang hindi makaintindi
kung bakit ngayon pa nito napiling magpuyat. Kung kailan ilang oras na lamang
ay kukuha na ako ng UPCAT.
Huling paalala ng
teacher namin sa huling session ng review ang sinasabi ng lahat ng “exam tips”
na nabasa ko: siguraduhing makatutulog nang maigi bago kumuha ng UPCAT
kinabukasan.
Sabado, 2:47 nang madaling
araw.
Shit.
Kung bakit naman
kasi pinili pang makipagbreak sa akin ni Jaya the day before the most important
exam of our lives.
Shit shit shit.
Bakit nga ba,
Jaya?
Shit.
Sabado, 5:45 ng umaga.
ANO BA THERESE?
HINDI KA PA BA GIGISING? TANGHALI NA!
Sanay na ako sa pabulyaw
na panggising ng Nanay ko. Pero naramdaman ko pa ring umikot ang mundo ko nang
bigla akong bumangon.
Shit shit shit.
Ala sais y medya
ang schedule ko sa exam.
Relaks ka lang, Therese. Sabado ngayon. Walang traffic. Kayang-kaya mong makarating sa school in 20 minutes. May time ka pang maligo. Maligo ka. Kunin mo yung saging sa ibabaw ng mesa para may laman ang tiyan mo.