Friday, October 20, 2017

First 250

[Author's note: First <250 words of a work-in-progress. A novel, maybe? We'll see.]

Biyernes. Alas dos y medya nang madaling-araw.

Ibig sabihin, Sabado na pala.

Ang dapat na ginagawa ko ngayon: natutulog.

Ang dapat na hindi ko ginagawa: binabalikan ang daan-daang palitan ng mga text messages namin ni Jaya.

Pero ganun yata talaga. Gagawin ng katawan ang luyag ng puso, lalo pa’t wala sa wisyo ang katawan at nagpupuyos ang damdamin. At mga alaala ni Jaya ang hinahanap ng aking kasingkasing. Mahirap bigyan ng paliwanag ang katawang hindi makaintindi kung bakit ngayon pa nito napiling magpuyat. Kung kailan ilang oras na lamang ay kukuha na ako ng UPCAT.

Huling paalala ng teacher namin sa huling session ng review ang sinasabi ng lahat ng “exam tips” na nabasa ko: siguraduhing makatutulog nang maigi bago kumuha ng UPCAT kinabukasan.

Sabado, 2:47 nang madaling araw.

Shit.

Kung bakit naman kasi pinili pang makipagbreak sa akin ni Jaya the day before the most important exam of our lives.

Shit shit shit.

Bakit nga ba, Jaya?

Shit.

Sabado, 5:45 ng umaga.

ANO BA THERESE? HINDI KA PA BA GIGISING? TANGHALI NA!

Sanay na ako sa pabulyaw na panggising ng Nanay ko. Pero naramdaman ko pa ring umikot ang mundo ko nang bigla akong bumangon.

Shit shit shit.

Ala sais y medya ang schedule ko sa exam.

Relaks ka lang, Therese. Sabado ngayon. Walang traffic. Kayang-kaya mong makarating sa school in 20 minutes. May time ka pang maligo. Maligo ka. Kunin mo yung saging sa ibabaw ng mesa para may laman ang tiyan mo.

No comments:

Post a Comment