Nakakahon ang lahat
Ng hiningi kong isauli mo sa akin:
Sapatos na madalas mong hinihiram,
T-shirt na may statement
Na hindi mo maintindihan,
Relong iniregalo ng tiyahin
Na unang nakaalam
Tungkol sa ating dalawa,
At photobook ng sandosenang gala.
Nakasiksik sa pagi-pagitan ng mga ito
Ang pira-pirasong bubog
Ng daan-daang alaalang
Nasa ‘yo pa pala. Samantala,
Narito ang sobreng paglalagyan sana
Ng pagpapatawad ko.
Pero walang laman ‘yan.
Natuto na kasi akong
Huwag magbigay
Sa hindi humihingi.
No comments:
Post a Comment