Thursday, July 13, 2017

#ZineZoned3 is happening in August!

Are you interested in displaying your artwork and literary pieces to a wider audience?

If you have a collection of literary pieces (poetry, flash fic, short story, play, hugot lines!) or artwork (or a combination of both! Oooh! Collab opportunity!), get down to making your own zine and join us in this year's biggest zine festival in Iloilo!

Simply send us a private message, expressing your interest to be a ziner. Then, email hubonmanunulat@gmail.com with the following:

1. A brief bio-note (around 100 words, providing your academic/professional/writing background)
2. A high-res photo of yourself (to be used for the zine fest's promotional materials)
3. A high-res photo of the COVER of your zine

There are no thematic or language restrictions for the zines! There is, however, a P100 registration fee that will cover table rentals for the two-day event, inclusion in #ZineZoned3 promo materials, and coffee (wooot!)!

Please send in all requirements by July 31, 2017. Feel free to send us a PM for any inquiry. Invite your friends!

See you on August 26 - 27, 2017 at the Fountain Area of Robinson's Place Iloilo!


Saturday, May 6, 2017

Ang Akon Kasingkasing Daw Pulo



Ang Akon Kasingkasing Daw Pulo is a Hiligaynon poem that I wrote while acting as research adviser to a group of graduate students in Punta Buri, Ajuy, Iloilo.

This reading was a part of the closing ceremonies of the 15th San Agustin Writers Workshop at the University of San Agustin, Iloilo City last 5 May 2017.

Monday, April 17, 2017

Getting There


Getting There, a poem read during Pautwas: Zine Festival kag Basahay Binalaybay sa Yupihay, last 3 April 2017 at the University of the Philippines Visayas Little Theater.

The event was attended in by UP Visayas students and faculty members. Also present were Mr. Gil Montinola, writer and member of Hubon Manunulat, and Ms. Tarie Sabido, Chair of the Philippine Board on Books for Young People (PBBY).



The event was organized by the UP High School in Iloilo Grade 11 HUMSS class, the UPHSI Student Council, and UPHSI Kapisanan ng Panitikan at Wika (KAPWA).


Tuesday, March 21, 2017

Ang Pagbalay sang Binalaybay

A talk on writing poetry delivered last 17 March 2017 at St. Paul University Iloilo.


Monday, January 2, 2017

Ginapangita Ko Ikaw



Ginapangita ko ikaw,
Inday, sa mga laragway
Sa mga ambahanon
Pati sa mga binalaybay
Basi pa lang didto ko
Ikaw makit-an, kay man
Nadula ka na sa akon
Hunahuna kag kasingkasing.


30 October 2016
Iloilo City

Thursday, December 8, 2016

Hindi Muna Ako Magtutula Hangga't Mahal Pa Kita

Kaya kong magkuwento tungkol sa simula
Noong manipis na foam lang ang pagitan ng sahig at mga likod natin
Dahil minimum wage lang ang kinikita mo bilang
Saleslady sa isa sa libo libong tindahan ni Henry Sy
At pa-raket-raket lang ako bilang tutor sa mga anak-mayaman ng Iloilo.
Kaya kong punuin ang magdamag ng mga sugilanon ng pagtitiis
Mo sa pagkain ng sardinas dahil ito ang paborito ko,
At ng paggising mo sa madaling araw upang ipag-igib ako ng tubig
Mula sa poso, ipag-init ng pampaligo’t pang-kape
Ipagluto ng baon at ipagplantsa ng palda at blusa noong, sa wakas,
Ay natanggap ako bilang guro sa pribadong eskwelahan na laging sanhi
Ng trapik sa General Luna. Marami tayong mga kuwentong
Kagaya nito, at pwedeng parisan ng metapora ang bawat alaala, ngunit
Hindi muna ako magtutula hangga’t mahal pa kita.

Maaari kong awitin ang mga napagkasunduan nating
Maging theme song noong mga panahong ginagabi tayo
Sa pagtatrabaho nang parehong walang overtime pay:
Sana’y Wala Nang Wakas dahil Sharonian ako, at Head Over Feet
Dahil adik ka kay Alanis kahit hindi mo makabisa ang spelling ng apelyido niya,
Kagaya ng palagi mong paglimot sa petsa ng birthday ko.
Maaari kong awitin ang mga naka-loop sa playlist ko
Noong paulit-ulit mo akong sinuyo para lamang muling iwanan,
Na para bang paulit-ulit mo akong gin-endo para pag-aplayin
Sa parehong posisyon sa trabaho. Iba’t ibang himig at titik
Ang kaya kong ilapat sa aking pag-iyak, hagulgol, at pagngawa
Sa tuwing pinili mo akong saktan, at aking sasabayan ang ritmo
Ng bawat isa hanggang marindi ka sa sintunado kong pagkanta, ngunit
Hindi muna ako magtutula hangga’t mahal pa kita.

Papayag akong magsayaw kahit pa nga walang tugtog
Basta’t maiyugyog ko lang ang katawan kong pagod na pagod na
Sa pagluhod at pagsusumamo sa mga novena ko kay St. Jude
Dahil ayoko nang umasang magtitino ka pa, kagaya ng
Hindi ko na pag-asang mareregular pa ako o tataas ang sweldo.
Papayag akong magsayaw, umindak, at maglupasay
Bilang tanda ng pagbitaw sa nag-uumapaw na poot at galit
Na dala ng panghihinayang sa labintatlong taong sinayang
Nating dalawa. Hahataw sa galaw ang aking mga paa ngunit
Hindi muna ako magtutula hangga’t mahal pa kita.
Dahil hangga’t may natitira pang katiting na pag-ibig sa kasingkasing
Ay hindi magiging sapat ang ritmo o tugma, walang saysay
Ang mga metapora. Ang bawat salita ay mananatiling kabalintunaan
Ng kabiguan nitong aking akda kaya’t ipagpaumanhin mo sana kung
Hindi muna ako magtutula hangga’t mahal pa kita.

---
Isinulat noong Hulyo 2016. Unang binasa sa Basahay Binalaybay sa Yupihay noong Agosto 2016. Muling binasa sa Poetika noong Agosto at Oktubre, at sa Iloilo Taboan noong Oktubre 2016.

Gin-publish ng Dagmay dito.